Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Weekly Manila Bay Clean-Up Drive | September 16, 2023

Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang mga kawani ng ating lokal na pamahalaan mula sa MENRO, DILG, MDRRMO, at ang BFP Laur ay muling nagsagawa ng lingguhang Clean-up Drive
sa isa sa mga ipinagmamalaking pasyalan sa bayan ng Laur, ang ilog Bato Ferry. Ito ay may temang “International Coastal Clean-up Drive 2023”.
Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa aming lingguhang Clean-up Drive. Inaanyayahan din po namin ang mga nagnanais na makiisa sa ganitong gawaing pangkapaligiran. Mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa MENRO Laur dito sa ating bahay pamahalaan.
Magsama-sama po tayo muli sa mga susunod na linggo sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating bayan.
Maraming Salamat po!
#LAURNUEVAECIJA
#CleanlinessMatters
#cleanandgreen
#ilogbatoferry