Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Weekly Manila Bay Clean-Up Drive | October 20, 2023

Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang mga kawani ng BFP, kawani ng ating lokal na pamahalaan mula sa MENRO, kasama sina Konsehal Raymundo Lulunan at Konsehal Christopher Brian Bayro ay muling nagsagawa ng lingguhang Clean-up Drive sa tabi ng highway sa Brgy. III, Laur, Nueva Ecija.
Layunin ng gawaing ito na maisulong ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa ating bayan.
Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa aming lingguhang Clean-up Drive. Inaanyayahan din po namin ang mga nagnanais na makiisa sa ganitong gawaing pangkapaligiran. Mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa MENRO Laur dito sa ating bahay pamahalaan.
Maraming Salamat po!
#LAURNUEVAECIJA
#CleanlinessMatters