Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Weekly Flag Raising Ceremony | September 27, 2022

Maganda ang sikat ng araw ngayong umaga sa atin, mga kababayan.
Makalipas ang kalamidad at pagdaan ng Bagyong Karding, isinagawa ngayong araw ang pagtataas ng watawat. Kasama ang PNP Laur, BFP Laur, mga kawani ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating Pangalawang Punong Bayan Benjie Padilla, at mga opisyal ng Munisipalidad ng Laur sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus.
“Always look at the brighter side.”
Sa nagdaang sakuna sa ating bayan, bagamat matindi ang naging epekto na iniwan nito, hindi ito naging hadlang para sa ating mga makabayan at mapagmalasakit na mga kawani.
Kaya naman, lubos ang aming pasasalamat sa mga boluntaryong tumulong sa paghahanda bago ang bagyo, habang rumaragasa ang bagyo, at kahit nang makadaan na ang bagyo. Sila ay kasama nating tumulong magmula noong Linggo hanggang Lunes.
Mga kababayan sama-sama po tayo tungo sa maunlad at progresibong bayan. Maraming Salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#LAURNUEVAECIJA
#respect
#MayorTupe