Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Weekly Flag Raising Ceremony | September 11, 2023

Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat!
Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat sa pangunguna ng ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang PNP Laur, Bfp Laur, Municipal Trial Court, Pastoral Members, Office Of The Sangguniang Bayan, Department Heads at lahat ng kawani ng ating bahay pamahalaan.
Kasabay nito ang Paggawad ng Katapatan kay G. Rolando Barlis, sa kanyang ika-sampung (10) taong hindi matatawaran na pagseserbisyo sa ating bahay pamahalaan at sa bayan.
Gayundin ang pasasalamat at pagbati sa lahat ng mga kawani ng ating bahay pamahalaan na nakibahagi sa Panlalawigang Araw ng mga Kawani na ginanap sa SM City Cabanatuan noong Setyembre 01, 2023.
Ang lokal na pamahalaan ng Laur ay nakatanggap ng Sertipikasyon ng Pakikiisa sa Indak Kawani Folk Dance Competition at Duet Singing kaugnay sa selebrasyon ng ika-123 taong anibersaryo ng Philippine Service Commission.
Maraming Salamat po!
#mayortupe
#LAURNUEVAECIJA
#FlagRaisingCeremony