Weekly Flag Raising Ceremony | November 28, 2022

Isang magandang umaga po sa ating lahat. Atin pong salubungin ang panibagong linggo ng may mga ngiti sa ating mga mukha. 😊
Isinagawa muli ang Lingguhang Seremonya sa Pagtataas ng Watawat ngayong araw katuwang ang ating mga kawani ng BFP Laur, PNP Laur at mga lingkod bayan ng Munisipalidad ng Laur sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus.
“Serbisyong walang hinihintay na kapalit”
Kasabay nito, binigyang parangal at pagkilala ang ating mga magigiting na mga lingkod bayan mula sa
Bantay Bayan Highway Patrol Group (BBHPG), Police Hotline Movement Inc. (PHMI), para sa kanilang serbisyo na hindi nagmamaliw at ginagawa, nang walang hinihintay na kapalit, gayun din naman ang ating SK Chairperson ng Brgy. San Fernando Jhomar Ordonio Soriano para sa kanyang mga tinanggap na mga parangal bilang Most Inspiring Young Servant and Remarkable Humanitarian Advocate of the year.
Ipinagmamalaki kayo ng ating Bayan!
Kalidad na serbisyo muli ang ating asahan sa ating Bayan ng Laur!
Maraming salamat po.
#MayorTupe
#LAURNUEVAECIJA
#Respect
#HAPPYMONDAY
Copyright © 2015. Municipality of Laur, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija