
WEATHER UPDATE | October 11, 2022
Magandang Araw po sa ating lahat mga kababayan.
Ayon po sa Pagasa ang low pressure area na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility PAR ay lumakas na bilang isang tropical depression.
Ito po ay tinatawag na ngayong Bagyong #MaymayPH. As of 5 am, nakataas na ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa mga lugar ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, at extreme northern portion ng Quezon kasama ang Polillo islands.
Namataan ng #Dost_pagasa ang sentro ng Bagyong #MaymayPH 300 km silangan ng Casiguran, Aurora. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph.
Kapag hindi po nagbago ang pagkilos ng bagyong #Maymay ay posibleng mag-landfall ang bagyo sa southern portion ng Aurora o sa hilagang bahagi ng Quezon bukas ng Hapon o gabi saka ito tatawid sa Central Luzon.
Inaasahan po ang malalakas na hangin gayun din ang malalakas na pag ulan. Kaya naman maging alerto at maging handa po ang bawat isa.
LAUR EMERGENCY HOTLINE NUMBERS ❗
SAVE AND SHARE 📌
Narito po ang ating Emergency Hotline Numbers na maaari ninyong tawagan sa oras ng pangangailangan.
Maraming Salamat po.
#MaymayPh
#LAURNUEVAECIJA
#Respect
#MayorTUPE
#SERBISYOANGLALAPITSATAO