Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Tulong Pinansyal sa mga 4Ps Beneficiaries ng Brgy. San Fernando, Laur, Nueva Ecija

Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Kahapon nga lang po, Oktubre 13, 2023, sa pangunguna at pakikipag-ugnayan po ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ay personal na tumungo ang mga kawani ng DSWD Cabanatuan sa ating bahay pamahalaan upang ipaabot ang tulong pinansyal para sa ating mga kababayan na benepisyaryo ng 4Ps mula sa Brgy. San Fernando, Laur, Nueva Ecija.
Ito po ay matapos ang naging pangyayari sa Brgy. San Fernando noong nakaraang linggo. Nakarating po ang balita sa tanggapan ng DSWD Cabanatuan, kaya bilang hakbang at programa ay nagpaabot po sila ng tulong sa ating mga kababayan sa kadahilanang maaaring naapektuhan ang kanilang mga pangkabuhayan dahil sa hindi inaasahang mga kaganapan sa kanilang barangay. Isang daan at labing-siyam po ang nabigyan ng tulong pinansyal sa programang ito.
Kaya naman, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa pagmamalasakit ng DSWD, at pasasalamat sa mga paymasters na sina Sir Leo Miguel, Ma’am Imelda Lapitan, Ma’am Mary Jane Dayrit at Ma’am Laarnie Padilla. Gayundin sa mga DSWD verifiers na sina Ma’am Maybelyne Crisostomo, Ma’am Patrice Anne Gabriel at Ma’am Myla Miguel.
Maraming Salamat po!
#DSWDMayMalasakit
#mayortupe