
Tulong Pinansyal, para sa Magsasaka
Mahalagang Pabatid para sa mga Magsasaka sa Bayan ng Laur.
Magandang Araw mga Kasaka 🌾
Ang mga pangalang nakalista sa ibaba ay ang beneficiaries ng 5k cash assistance under DBP. Sila po ay isang beses palang nakakakuha ng cash assistance simula 2019.
Inaabisuhan po ang lahat ng nakalista na pumunta sa aming tanggapan/municipal agriculture office simula ngayon September 06,2022 hanggang September 09, 2022 at magdala ng 1 valid id. Dito po ay aalamin natin kung mali po ang birthday at spelling ng inyong pangalan na nakatalaga sa FFRS.
Kung sakaling pong may mali, gagawan po namin kayo ng “certificate of oneness” at ito po ay ipapasa namin sa region kasama ng scanned copy ng inyong id upang maitama ang inyong impormasyon sa FFRS . After po nito , ipapasa na nila ang tamang impormasyon ninyon sa DBP. At maghihintay na lang po tayo sa advice ni DBP kung kailan nyo pwedeng kuhanin ang inyong cash assistance.
Kung sakali naman pong tama ang inyong impormasyon, ibibigay na po namin sa inyo ang inyong e-wallet at pwede nyo na pong kunin ang inyong cash assistance sa WESTERN UNION CABANATUAN sa darating na September 17-21, 2022.
Para po sa inyong mga katanungan, Mag padala lamang po kayo ng inyong mensahe sa Official Facebook Page ng Municipal Agriculture Laur. Pwede din po kayong personal na mag tungo sa opisina ng Municipal Agriculture Office dito po sa ating Munisipyo upang sagutin lahat ng inyong katanungan para po mas maipaliwanag at mai-detalye ng maayos ang mga gagawin.
Maraming salamat po.
Source: https://www.facebook.com/municipalagriculture.laur
#SerbisyonaLalapitsaTao
#KAKAMPIMOSAAGRIKULTURA