Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Tulong Financial para kay Nanay Margarita Cristobal Pangan ng Brgy. IV

11, 2022 Monday
“SERBISYO ANG LALAPIT SA TAO HINDI TAO ANG LALAPIT SA SERBISYO”
Yaan po ang binitawang salita at Ipinangako ng ating butihing Mayor Atty. Christopher Tupe Daus noong nag uumpisa pa lamang syang magpakilala sa ating mga Kababayan dito po sa Bayan ng Laur.
Noon paman pagtulong na sa Kapwa ang nasa Puso nya.
Kaya naman heto at dipo nabigo sa kanyang mga pangako, Narito napo ang Makabagong pagseserbisyo na syang ihahatid sa inyo.
Sya si Nanay Margarita Cristobal Pangan ng Brgy. IV Na kasalukuyang naka confined sa Bongabon Hospital sa sanhi ng kanyang sakit na U.T.I.
Sa pamamagitan po ng ating mahal na Mayor Atty. Christopher Tupe Daus at ang ilang Empleyado po ng Munisipyo ay tumungo sa nasabing hospital Kasama Ang Isa sa Miyembro ng DSWD upang maghatid ng tulong financial para sa pangangailangan ng pasiyente.
Mga kababayan muli po ito na ang simula ng Makabagong serbisyo na hatid ng ating Bagong Mayor.
Get well soon po, Magpalakas at mag iingat po kayo.