Tree Planting Activity

Tree Planting Activity 🌳🌿🌱
Sa pagpapatuloy ng ating pakikilahok at pakikibahagi para sa pagpapatatag sa Linggo ng malasakit sa pagdiriwang ng ika-122nd Anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC), tayo ay nagsagawa ng Tree-Growing Activity, sa Brgy. Canantong, ngayong araw ng Huwebes, ika-8 ng Septyembre 2022.
Ang bawat kawani ng Munisipalidad ng Laur sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang ang ating BFP, PNP at ang Sangguniang Bayan sa ilalalim ng pamumuno ni Vice Mayor Benjie Padilla ay nakiisa sa aktibidad na ito.
#EachOnePlantOne
Hinihimok ng sikat na kasabihan na ang lahat ay magtanim ng kahit isang puno. Ang kalikasan ang s’yang nagpoprotekta sa atin mula sa mga pagguho ng lupa, pagbaha, at iba pang mga sakuna dulot ng pag-ulan. Kaya naman, ating mahalin, ingatan at pagmalasakitan ang ating Inang Kalikasan.
Ipagpatuloy natin ang ating pagbabayanihan, pagpapatibay, at pag-aalaga ng ating mga kabundukan.
Salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi.
#Respect
#122ndphilippinecivilserviceanniversary
#resilience
#TREEPLANTING2022

Copyright © 2015. Municipality of Laur, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija