Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Tree Planting Activity of Team Respect | Brgy. San Isidro, Laur, Nueva Ecija

Magandang Araw po sa ating lahat!
Sa patuloy na pagsuporta at pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ay muling nagkaisa at nagtulungan ang mga kabataan na miyembro ng Team Respect upang magsagawa ng Tree Planting Activity sa tabi ng highway ng Brgy. San Isidro.
Kasabay nito ang pakikiisa at pakikibagbayanihan ng samahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nakibahagi rin sa gawaing ito.
Kami po ay nagpapasalamat sa mga masisipag nating mga residente. Nawa’y patuloy po namin kayong makasama sa pagpapaunlad ng ating bayan!
Sa lahat po ng nagnanais na sumali sa samahan ng Team Respect ay maaari po kayo makipag-ugnayan kay Mr. Arcie E Tulaban.
Maraming Salamat po!
#treeplanting
#mayortupe
#LAURNUEVAECIJA