Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

TREE PLANTING ACTIVITY

Magandang Araw mga kababayan!
Mula sa College of Business and Accountancy ng Wesleyan University-Philippines, ang mga adviser at miyembro ng Junior Philippine Association of Management Accountants (JPAMA) ay nagsagawa ng tree planting activity na may pamagat na “Ecoplanta: A Sustainable Tree-Planting Activity” sa Brgy. Canantong, Laur, Nueva Ecija, ngayong araw ng Biyernes, ika-18 ng Agosto 2023.
Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagsuporta ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, at sa pangunguna ng mga kawani ng pamahalaan mula sa MENRO.
Layunin ng aktibidad na ito na mamulat ang bawat isa sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating Inang Kalikasan at upang malaman ang mga benepisyong nauugnay kung tayo ay magtatanim ng mga puno.
Sa pamamagitan ng kanilang pagtatanim ng limampung (50) narra seedlings, ipinapakita nito ang pagmamalasakit at pagmamahal sa ating mga kabundukan. Ito rin ay isang pamamaraan upang mahikayat ang iba na makibahagi sa ganitong mga gawain.
Muli, kami po ay nagpapasalamat sa pagpili sa aming bayan ng Laur!
#treeplanting
#LAURNUEVAECIJA