Tree Growing Activities

“Kalikasan ay alagaan para sa magandang kinabukasan”

Magandang araw Bayan ng Laur!

Sa pangunguna po ng ating minamahal na Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus kasama ang masisipag na ahensya ng PNP Laur, BFP Laur, SK Federation, sa bawat Department at mga kawani ng Munisipyo ng Laur at NGO Team RESPECT, tayo po ay nagkaroon ng aktibidad na kung saan tayo naman po ang naging bayani ng inang KALIKASAN sa ating Bayan.

Kung matatandaan po ninyo ang ginanap nating Tree Growing Activities para sa pakikiisa natin sa Civil Service Commission (CSC) Month noong September 2022 na kung saan tayo po ay nagtanim mahigit kumulang 500 puno/seedlings..
Kaya namam bilang pagpapatuloy sa aktibidad na ito, ang ating mga tinanim na puno/seedlings ay ating pong binisita, nilinisan at diniligan dahil hindi lamang po nagtatapos ang tree growing activities sa pagtatanim..
Lubos ang pasasalamat sa lahat ng boluntaryo, sa inyong pakikiisa at pagmamalasakit sa ating Inang Kalikasan.
Sama-sama po nating alagaan at mahalin ang ating Kalikasan. Maraming salamat po!
#MayorTupe
#Respect
#LAURNUEVAECIJA
#BonifacioDay
#labansaklimangpabagobago
Copyright © 2015. Municipality of Laur, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija