Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Trapiko at Daloy, Maayos at Tuloy-tuloy

Trapiko at Daloy, Maayos at Tuloy-tuloy
September 6, 2022 /Martes/
Pinangasiwaan ng ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus kasama ang ating Municipal Public Market Personel Sir Melchor Enriquez, ang pag-oobserba ng daloy ng trapiko kasabay ang paglilinis ng lansangan at pagsasa-ayos ng paradahan ng mga sasakyan. Isinagawa ang aktibidad na ito
upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng daloy ng trapiko.
Katuwang nito, pinuntahan at nakipag-ugnayan din sa mga manggagawa ng bagong palengke ang ating Punong Bayan upang alamin ang mga detalye ukol sa kasalukuyang estado ng binubuong gusali at kumustahin ang mga mamamayan at tindera sa palengke ng Laur patungkol sa kanilang kalagayan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Patuloy po tayong magkaisa at makiisa sa mga proyekto at programa ng ating Mayor na naglalayon para sa mas lalo pang ikauunlad ng Bayan ng Laur.
Maraming salamat po.
#TULOYANGPAGSESERBISYOPARASABAYANNGLAUR
#SerbisyoanglalapitsaTao
#LaurNuevaEcija