Skip to main content

Team Respect Visitation, Orientation, and Invitation | August 12 – 13, 2023

Magandang Araw mga kababayan!
Ang Team Respect po sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, na siya ring tagapagtatag nito, katuwang si Arcie Tulaban, (President of Team Respect) ay bumisita sa apat na barangay sa bayan ng Laur upang imbitahan ang mga kabataan na makiisa at makibahagi sa mga programa at aktibidad ng nasabing samahan.
Ang programa ay naganap noong Sabado, sa Barangay San Juan at Barangay Canantong. Sa kasunod din pong araw ay tinungo nila ang Barangay IV at Barangay San Fernando.
Layunin po ng pagbisitang ito na ipabatid sa ating mga kabataang Laureans ang mga benepisyo, oportunidad, at karanasan na naghihintay sa kanilang pagsali sa samahan.
Muli, Patuloy po naming inaanyayahan ang mga kabataan na kami ay inyong samahan sa mga layunin at programa ng Team Respect.
Para po sa kumpletong impormasyon ukol sa pagsali sa samahan ng Team Respect, magpaabot lamang po ng mensahe kay Mr. Arcie E Tulaban
Maraming Salamat po!
#TeamRespect
#mayortupe
#proudlaureans

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija