Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Team Respect Clean-up Drive | September 16, 2023

Magandang araw po sa ating lahat!
Bilang pagsisimula ng produktibo at kapaki-pakinabang na araw, nagsagawa ng Clean-up Drive sa tabi ng highway ng Brgy. Sagana na pinangunahan ng mga kabataan na miyembro ng TEAM RESPECT. Sila ang mga nagkakaisang kabataan na mayroong hangarin na panatilihin ang kaayusan at kalinisan para sa ating mahal na bayan.
Ang gawaing ito ay napagtagumpayan sa patuloy na pagsuporta ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang ang leader ng TEAM RESPECT, ABC Captain Hernando Yambot, at mga konsehal at kawani ng Brgy. Sagana, Laur, Nueva Ecija.
Layunin ng aktibidad na ito na maipakita ang kabayanihan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagtuon sa iisang layunin na mapanatili ang kalinisan sa ating pamayanan. Isang patunay lamang na sa pagkakaisa ng mga kabataan, talaga namang may pag-asa ang bayan!
Kaya naman, kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa aming Clean-up Drive. Inaanyayahan din po namin ang mga kabataan na nagnanais na makiisa sa mga ganitong gawaing pangkapaligiran. Mangyaring makipag-ugnayan lamang kay Mr. Arcie E Tulaban ng TEAM RESPECT.
Maraming Salamat po!
#LAURNUEVAECIJA
#CleanlinessMatters
#KabataanAngPagAsaNgBayan
#TeamRespect