Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Table Tennis Club Weekly Session | September 12, 2023

Kamakailan po ay naganap ang lingguhang pagsasanay ng mga kabataan para sa larong table tennis. Ito po ay ginanap sa Evacuation Center dito sa ating bahay pamahalaan na pinangunahan ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang si Chairman Reynaldo Balasta Jr.
Kasabay nito ang pakikiisa sa pagsasanay at pagbisita ng anim (6) na miyembro ng CABCY Table Tennis Club, isa (1) sa kanila ay Silver Medalist sa Table Tennis Tournament, at kasama ang kanilang coach na si Mr. Majev Cabiltes.
Ang session po ay ginaganap tuwing Sabado at Linggo sa Evacuation Center dito sa ating bahay pamahalaan sa ganap na ala-una ng hapon hanggang alas-singko.
Welcome po ang lahat ng ating kababayan na nagnanais makilahok at matuto ng Table Tennis.
Maraming Salamat po!