
Sustainable Livelihood Program (SLP)
SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM (SLP)
42 4Ps Beneficiaries received DSWD Livelihood Assistance Grants 4.0 today, August 30, 2022
42 4 4.0 , 30, 2022
Nagpahayag ng suporta at pasasalamat ang ating butihing Ama ng Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus para sa Pagpapatuloy ng programang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Katuwang ang ating OIC MSWD Ma’am Jezreel Talanay, Sir Michael – PDO II – SLP, Ma’am Mhel, Ma’am MJ, Sir Leo, Ma’am Sosima – Municipal Links other DSWD Staff paymasters and Sir Jeremy of DTI ay direktang naipaabot ang tulong kapital para sa mga kababayan nating benepisyaryo ng programang ito.
Ang SLP ay isa sa mga pangunahing programa ng DSWD na naglalayong magbigay ng serbisyo para palakasin o bigyang kakayahan, kahusayan, at karanasan ang isang indibidwal sa paghahanap-buhay at pagnenegosyo. Isinusulong nito na pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng training, kagamitan, at kapital para makapag-umpisa sa negosyo.
Pinaalala ng ating Punong Bayan na Pahalagahan at pakaingatan ang munting puhunan na ipinagkaloob at ibinigay sa kanila, paunlarin upang makapagsimula at kumita sa kani-kanilang mga negosyo.
Mga kababayan maari nyo pong I – LIKE, FOLLOW AND SHARE PO ang ating official page na ito upang mas maging updated kayo sa mga nangyayare at kaganapan sa ating Bayan.
Maraming salamat po.
#SerbisyonaanglalapitsaTao
#SamasamatayongbabangonBayanngLaur