
SUNDAY, SEMINAR/ WORKSHOP FOR THE PEOPLE OF LAUR | October 16, 2022
@Brgy. San Juan Laur, Nueva Ecija
Personal na dinaluhan ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus gayun din ang Punong Barangay ng San Juan, Kgg. June Salanga ang isinagawang Seminar/ Workshop para sa Bayan ng Laur. Bagamat araw po ngayon ng Linggo tuluy- tuloy parin ang Pagseserbisyo ng ating butihing Ama ng Bayan.
Ang Layunin at bahagi ng Programang ito ay ang paglalahad ng mga plano, pag aaral at pagtuturo sa mas lalo pang ikauunlad ng Bayan ng Laur. Sila din ay makakasama at pansamantalang mananatili sa ating Bayan upang patuloy na mag aral at magbahagi ng kanilang mga kaalaman.
Pinamahalaan ng mga Kabataang mag aaral mula sa University of Santo Tomas (UST) [Simbahayan – University of Sto. Tomas – AMV College of Accountancy and PICPA Western Metro Manila Chapter in collaboration with PICPA Nueva Ecija Chapter Gialogo and Associates.] ang nasabing Programa.
Maraming salamat po sa lahat ng ating mga bisita na nakasama sa pagbibigay ng oras, panahon, pakikiisa at pagsuporta sa Bayan ng Laur.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#LAURNUEVAECIJA
#MayorTUPE
#Respect