Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Split Project of the Department of Agrarian Reform | September 7, 2023

Magandang Araw po sa ating lahat!
Kaninang umaga, araw ng Huwebes, sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang po sina Ma’am Genoveva U. Talplacido (Municipal Agrarian Reform Program Officer) at Brgy. Sagana Captain Hernando A. Yambot, matagumpay na naisagawa ang Split Project sa ilalim ng Department of Agrarian Reform.
Ang mga naging benepisyaryo ng proyektong ito ay isa (1) mula sa Brgy. Sagana at pito (7) naman mula sa Brgy. San Fernando. Layunin po ng programang ito na mabigyan at magkaroon ang mga may-ari ng mga indibidwal na titulo ng lupa na nakapaloob pa sa sama-sama o Collective CLOA.
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga ahensyang nanguna sa proyektong ito. Walong (😎 mga kababayan po namin ang nagkaroon ng pagkakataon upang maiproseso ang kani-kanilang mga titulo ng lupa.
Maraming Salamat po.
#departmentofagrarianreform
#LAURNUEVAECIJA