Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Serbisyong May Malasakit Para Sa Bayan, Makakamit!

Serbisyong may pagmamalasakit, ito po ang hatid ng ating butihing punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus. Kamakailan lamang po isa nating kababayan ang nagpost sa Facebook patungkol sa paghingi ng tulong para sa kanyang tiyahin. Siya po ay si nanay Mylene Bulanan residente ng Brgy. San Isidro na nangangailangan ng gamutan sapagkat aksidente pong napako ang kanyang talampakan at ito ay lumala sa kadahilanang siya ay Diabetic. Sa pagkalinga po ng ating Mayor ay agaran po itong pinapuntahan at nagpaabot ng tulong pinansyal.
Dalangin po namin ang inyong mabilis na paggaling.
Muli, mga kababayan bukas po ang ating Bahay Pamahalaan at ang aming tanggapan upang kayo po ay mapagserbisyuhan.
#serbisyoanglalapitsatao
#LAURNUEVAECIJA
#serbisyongmaypagmamalasakit