Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Serbisyong Matapat, Serbisyo para sa Lahat

Serbisyong Matapat, Serbisyo para sa Lahat.
September 6, 2022
Tunay ngang “#Serbisyo ang lalapit sa tao, hindi tao ang lalapit sa serbisyo.”
Sa pamumuno ng ating butihing Mayor, Atty. Christopher B. Daus, katuwang ang Tanggapan ng Kagalingan Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWDO) sa pangunguna ng OIC-MSWD Officer, Ms. Jezreel DF. Talanay, muling naihatid ng maayos ang mga benepisyo sa ating mga SENIOR CITIZEN LOCAL PENSIONERS.
Kung atin pong maaalala, ang nagtutungo sa ating Lokal na Pamahalaan para sa payout ay ang ating mga mamamayan. Ngayon po, sila na ang ating pinupuntahan sa tulong na rin ng mga MSWD Staff, Municipal Treasuries’ Staff, at sa mga pangulo ng Senior Citizen ng bawat barangay.
Muli, maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi dahil ngayon, nakikita na natin ang tunay at tuloy – tuloy na pagbabago sa ating Bayan.
Maraming salamat po.
#tuloyangpagseserbisyoparasabayannglaur
#Serbisyoanglalapitsatao
#LaurNuevaEcija