Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

SERBISYO NA ANG LALAPIT SA TAO | BARANGAY CARAVAN

June 17, 2023

Muling naglunsad ng “Caravan” sa Brgy. Canantong ang ating bahay pamahalaan sa pangunguna parin ng ating mahal na Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang mga Department Heads at Rural health Unit (Rhu) upang maghatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.
Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon, at tulong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan dahil alam naman natin na hindi lahat ng ating mga kababayan ay nakakapunta sa ating bahay pamahalaan kung sila ay may katanungan at kailangan gayon nadin sa health center kung sila ay may karamdaman, kung kaya’t tayo na mismo ang lalapit at pupunta para sa kanila.
Isa itong katuparan at patunay sa pangakong” Serbisyo ang lalapit sa tao, hindi tao ang lalapit sa serbisyo”.
#LAURNUEVAECIJA
#mayortupe
#pagbabagosa2023
#serbisyolalapitsatao