Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

“Serbisyo ang Lalapit sa tao” | September 18, 2023

Mapagpalang araw po sa lahat!
Ngayong araw, personal pong tinungo ng ating Punong Bayan ang Brgy. San Juan upang bisitahin ang isang bata na sa murang edad pa lamang ay nakikipaglaban na sa isang malubhang karamdaman (Kidney Cancer). Ang bata na dapat ay nakikipaglaro sa kanyang kapwa bata ay nakaratay sa kanyang higaan at niyayapos ng kanyang matinding karamdaman.
Sa agarang tulong, aksyon, at sa kabutihang loob ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang mga kawani mula sa KALAHI, kasabay ng pagbisita ay ang pagpapaabot ng tulong pinansyal sa pamilya upang magamit sa medikasyon at iba pang pangangailangan ng bata.
Ipanalangin po natin na hipuin siya ng kamay ng ating Poong Maykapal upang pagalingin at tuluyang pawiin ang kanyang karamdaman.
Hangad lamang po ng ating Punong Bayan ang ikabubuti ng kanyang mga nasasakupan. Kaya naman, makaaasa po kayong serbisyo ang lalapit sa tao, at hindi tao ang lalapit sa serbisyo.
Maraming Salamat po!
#mayortupe
#serbisyoanglalapitsatao
#LAURNUEVAECIJA