Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

SERBISYO ANG LALAPIT SA TAO | October 20, 2023

Bilang pagsisimula ng araw na may malasakit at pagmamahal, kaninang umaga po ay tumungo ang ating Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus sa Brgy. San Fernando, Laur, Nueva Ecija. Ito po ay upang personal na mabisita at madalaw ang ilan nating mga kababayan na mayroong mga sakit, karamdaman at kapansanan.
Una pong pinuntahan ang ating kababayan na mayroong kapansanan sa kanyang pag-iisip. Siya po ay nabisita ng ating Punong Bayan katuwang si Dra. Adaljiza Hizon-Bose, at nabigyan ng tulong pinansyal ang kanyang pamilya para po sa gamot at ibang pangangailangan. Sa pagpunta po sa kanilang tahanan ay nakita at nakamusta rin natin ang kanyang kaanak na batang PWD.
Sa pagtugon naman po sa mga kahilingan ng ating mga PWD, personal din na naipaabot ang mga gamot para maintenance ni nanay Nympha Sales na mula rin sa Brgy. San Fernando.
Panghuli po ay si Ginang Mary Ann Catubig, 37 taong gulang. Siya po ay patuloy na nakikipaglaban sa kanyang karamdaman na breast cancer. Kinamusta po natin ang kanyang kalagayan kasabay rin po ang pagbibigay ng tulong pinansyal.
Hangad lamang po ng ating Punong Bayan ang ikabubuti ng kanyang mga nasasakupan. Sa panahon po ng pangangailangan, may isang lider na palaging maaasahan, tumutugon at nagmamalasakit
Muli, serbisyo ang lalapit sa tao hindi tao ang lalapit sa serbisyo.
Maraming Salamat po!
#mayortupe
#serbisyoanglalapitsatao