Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Serbisyo ang lalapit sa tao

June 17, 2023

Nagpahayag ng isang munting kahilingan ang ating mga kababayan mula sa Brgy. IV Poblacion, upang magkaroon ng bagong dalawang (2) Poso sa kanilang lugar. Ito ay agad namang tinugunan ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus upang makatulong sa pagkakaroon ng sapat na tubig para sa kanilang pang araw araw na pangangailangan.
Sa panahong ng pangangailangan, may isang leader na palaging nandyan at palaging maaasahan upang tumugon at magmalasakit. Makakaasa po tayong lahat sa kalidad at napapanahong serbisyo para sa lahat ng mamamayan ng Laur. Maraming Salamat.
#serbisyolalapitsatao
#mayortupe
#MAMAYANMUNA