Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Serbisyo and lalapit sa tao, Hindi na tao ang lalapit sa Serbisyo

Serbisyo and lalapit sa tao, Hindi na tao ang lalapit sa Serbisyo.
Tayo po ay nakatanggap ng isang panawagan mula sa pamilya ni Mary Jane Manabat ng Brgy. San Josep, sya ay kasalukuyang nasa hospital dahil sa sakit na Dengue.
Sa tulong ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, kasama ang ilang kawani ng MSWD ay agad nagtungo at nagpaabot ng tulong pinansyal sa ating kababayan.
Tulad ng ipinangako at naumpisahan ng ating butihing Ama ng Bayan. Serbisyo na ang lalapit sa tao. Kaya naman mga kababayan bukas po ang ating tanggapan para sa lahat upang kayo ay paglingkuran ng tapat at maayos na serbisyo.
Paalala po sa ating lahat, ugaliing mag linis ng paligid, tignan at suriin ang mga posibleng pagpugaran ng mga lamok. Mag ingat po tayong lahat.
Dalangin po namin ang inyong agarang paggaling.
#Serbisyonaanglalapitsatao
#BayanngLaur