Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

SCHEDULE OF LOCAL PENSION PAYOUT

SCHEDULE OF LOCAL PENSION PAYOUT
Isang Mapagpalang Araw po sa ating lahat lalo na po sa ating mga minamahal na mga nakatatanda!
Mula po sa Tanggapan ng Kagalingan Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWDO). Narito na po ang schedule para sa inyong “LOCAL PENSION PAYOUT”.
Magandang balita po dahil patuloy po na kami pa rin ang bababa sa inyong mga lugar, hindi niyo na po kailangan pa na pumunta at pumila sa munisipyo ito po ay sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang si OIC-MSWDO Ms. Jezreel De Fiesta Talanay.
Katulad ng ipinangako ng ating mahal na Punongbayan, serbisyo na po ang lalapit sa tao, hindi na tao ang lalapit sa serbisyo.
MGA PAALALA AT KAILANGAN DALHIN SA ARAW NG PAYOUT:
* Para po sa mga naka-schedule na mag payout, siguraduhing may dalang osca/senior citizen id (physical id)
* Sa mga binibigyang pahintulot, dalhin ang senior citizen id ng beneficiary, valid id ng pinahihintulutan (umid/sss/driver’s license/voter’s id/voter’s certificate/police clearance) at ipa-photocopy ng 1 kopya at pirmahan ng 3 beses.
MARAMING SALAMAT PO!