Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Saint Stephen’s Academy Inc. Commencement Exercise and Moving Up Ceremonies July 04, 2023

Kamakailan lamang ay ginanap ang “Moving up”ceremony o ang pagtatapos ng mga mag aaral ng Saint Stephen’s Academy sa kani- kanilang baitang.
Tunay na “memorable” nga po ang naging pagdaraos ng seremonyang ito sapagkat kamakailan nga lang ay “online” ceremony po ang kanilang naexperience dulot ng pandemya. Ngayon, ay personal na ulit nilang naramdaman na umakyat sa entablado upang tanggapin ang kanila pong mga parangal.
Naimbitahan po sa nasabing seremonya ang ating Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus upang saksikahan at gayundin ay magbigay ng kanyang mensahe para sa mga mag aaral na nagsipagtapos.
Sa pagbabalik tanaw po ng ating Mayor sa kapanahunang sya ay estudyante pa lamang, naging laman po ng kanyang mensahe ang hiling sa mga mag aaral na magpasalamat.
Magpasalamat sa mga taong sumuporta at gumabay sa bawat hakbang na kanilang dinaanan gayundin ay ang patuloy na pagpupursigi upang marating ang kani-kanilang mga pangarap.
Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa atin pong Mayor na maging saksi sa mga batang nagsipagtapos!
Muli ay ipinahahatid po namin ang aming Pagbati sa atin pong mga Stephenians! Congratulations!!!