Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Road Construction

Pagsasaayos at Pagtatambak (ROAD CONSTRUCTION) Sitio Kamagong Purok 2, Brgy. Siclong 🚧
Dahil sa napapanahon at madalas na pag- ulan, pinangasiwaan ng mga kawani ng Engineering Department sa pamumuno ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, ang muling pagsasagawa ng pagtatambak at pagsasaayos ng daan bilang pagtugon sa panawagan ng Punong Barangay ng Brgy. Siclong Kap. Zosimo Tabing Jr..
Layunin ng pagtatambak na ito mapigilan ang mapanganib na mga sakuna na maaaring mangyari dulot ng hindi maayos na daan dala ng pag-ulan. Kaya naman, agad pinuntahan at inaksyonan ang problemang daan. Hangad po ng ating Punong Bayan ang kaligtasan ng lahat ngayong panahon ng tag-ulan.
Maraming Salamat po sa lahat ng masisipag na Kawani ng Barangay at mga residente na nakasama natin.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#Respect
#tuloyangpagseserbisyoparasabayannglaur