Road Construction x Road Widening at Brgy. San Fernando

Pagsasaayos at pagpapaluwang ng daan papuntang San Fernando Falls o Siminublan Falls.
“Pangarap lang noon, isinasakatuparan na ngayon.”
Magandang Araw Bayan ng Laur!
Isa sa mga adhikain na nais maisakatuparan ng ating Amang Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ay ang makilala ang ating Bayan sa pamamagitan ng Turismo.
Kaya naman bilang paghahanda sa pagsasaayos at pag develop ng mga Falls dito sa Bayan ng Laur, personal na binisita ng ating Mayor kasama ang Punong Barangay ng San Fernando Kap. Emil Estabillo ang isinasagawa at pagpapaluwang ng daan papuntang San Fernando Falls o mas kilalang Siminublan Falls.
Ito ay isa lamang parte ng ating mga plano at magiging proyekto sa Bayan ng Laur. Kaya naman sama-sama po nating ipakilala at ipagmalaki ang ating Bayan. Maraming salamat po.
TULOY ANG SERBISYO, TUNGO SA PAGBABAGO!
#MayorTUPE
#LAURNuevaEcija
#RESPECT
Copyright © 2015. Municipality of Laur, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija