Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Ribbon Cutting: Health Protect Laboratory and Medical Specialty Clinic

October 9, 2022

Magandang araw, Bayan ng Laur.
Pinangunahan ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ang isinagawang sermonya para sa ribbon cutting bilang pagdiriwang para sa pagbubukas ng Health Protect Laboratory & Medical Specialty Clinic.
Nakakataba ng puso, mga kababayan na nakikilala na ang ating bayan sa magandang paraan at kinakitaan ng potensyal sa mas lalo pang pag-unlad, daan upang magkaroon tayo ng private investors na nagkasundong magtayo ng “Private” clinic sa ating bayan.
Ang mga serbisyong nakapaloob dito ay: LABORATORY, Complete Blood Chemistry (HFBS, RBS, BUN, CREA, URIC ACIS, CHOLESTEROL, TRIGLYCERIDE, HDL/LDL, SGPT, SGOT, AIC, BILIRUBIN, SODIUM, POTASSIUM, CHLORISE, CALCIUM, ETC.) CBC platelet, Urinalysis, Fecalysis, at iba pa.
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo upang tunghayan ang pagbubukas ng isang clinic sa ating bayan na siguradong magiging mahalaga lalo na sa usapang pangkalusugan ng ating mga mamamayan.
Bukas po ang ating clinic sa ganap na 7:00 am hanggang 5:00pm ng hapon, mula Lunes hanggang Linggo.
Maraming salamat po.
#LAURNUEVAECIJA
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#MayorTUPE
#Respect