Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Relief Goods Distribution

September 27, 2022

AGARANG AKSYON, AGARANG TULONG
RELIEF GOODS DISTRIBUTION 🫂🤝
Magandang Araw, Bayan ng Laur.
Direktang nakibahagi ang ating minamahal na Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus at ang Munisipalidad ng Laur kasama ang mga masisipag na BFP Laur, PNP Laur, MDRRMO, MENRO,MSWDO, 7TH DCAU, Engineering Department at mga kawani ng Pamahalaang bayan sa pagpapamahagi ng relief goods sa mga nangangailangan nating mga kababayan. Ang mga barangay na atin nang napuntahan ay ang Sitio Kamuning Brgy. San Vicente, Brgy. San Fernando, Brgy. Betania, at Brgy. San Antonio.
Kasabay ng pagbibigay ng relief goods ang pangungumusta ng ating Punong Bayan tungkol sa kalagayan ng ating mga kababayan. Patuloy pa rin ang pag-inspeksyon sa ating mga barangay para sa mabilis na pagkilos sa panahon ng pangangailangan. Tuluy-tuloy pa rin po ang ating pagpapamahagi ng relief goods sa iba pang brgy. ng ating bayan.
Maraming salamat po sa lahat ng boluntaryong tumulong at naging bahagi ng paghahatid at pagrerepack ng mga relief goods. Kayo ang tunay na mga bayani ng Laur.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#LAURNUEVAECIJA
#Respect
#KardingPH