Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Pulong kasama ang mga Brgy. Captain, Pinangunahan ng ating Punong Bayan

Nagpatawag ng pagpupulong ang ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus sa bawat Barangay Captains ng ating bayan para pag-usapan ang mga epekto ng Super Typhoon Karding sa bayan ng Laur.
Naging prayoridad sa pagpupulong ang pagsusuri at pag-uulat ng mga nasirang pananim, kabahayan, at mga maaaring nasugatan na kababayan natin upang makabuo ng mga angkop na hakbang, upang maging mabilis ang panunumbalik ng mga kabuhayan ng ating mamamayan gayun din upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat Barangay sa ating Bayan.
Inaasahan na mas bibilis ang ating pagbangon mula sa mga epektong hatid ng bagyo dahil sa pagtutulungan ng mga opisyal ng bawat barangay at ng ating Mayor.
Maraming salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#LAURNUEVAECIJA
#Respect
#MayorTupeDaus