Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Pre-Disaster Risk Assessment Meeting (PDRA) Meeting

“Pre-Disaster Risk Assessment Meeting (PDRA) Meeting”
Bilang paghahanda sa paparating na bagyong #Betty(MAWAR) ang Pamahalaang Bayan ng Laur sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus at mga kawani ng PNP Laur, BFP Laur, MDRRMO, MSWDO, RHU, MENRO, Engineering Department at AFP ay nagsagawa ng agarang pagpupulong.
Pinag-usapan dito ang mga posibleng maging hakbang upang paghandaan ang mga matinding epekto ng Bagyo. Kabilang dito ang paghahanda ng Evacuation Center para sa ating mamamayan partikular sa mga bahay na malapit sa ilog, paghahanda ng mga gamot na kakailanganin, at pagrerepack ng relief goods para sa ating mga kababayan. Kaya naman, inaasahang magiging handa ang ating Munisipalidad sa anumang oras na kailanganin ang paglilingkod.
Patuloy ang pagmomonitor ng ating mga kawani sa mga lugar ng ating kababayan na posibleng mangailangan ng evacuation center. Ang ating Punong Bayan ay nag abiso sa ating mga kawani na ihanda ang lahat ng mga mahahalagang kagamitan at mga kakailanganing sasakyan sa pag rerescue.
Para sa mga posibleng tanong at mahahalagang impormasyon maari lamang po kayong tumawag at mag bigay ng mensahe sa numero na ito.
LAUR MAYOR’S OFFICE HOTLINE:
0948- 865- 7338
0917- 117-1541
MDRRMO
0919-390-4461
PNP LAUR
0998-598-5429
BFP LAUR
0942-551-6197
RURAL HEALTH UNIT (RHU)
0995-217-0086(GLOBE)
0981-516-4728(SMART)
Maari din po kayong magpadala ng mensahe sa ating official facebook page Atty. Christopher “Tupe” Daus
Link:
https://www.facebook.com/AbogadoparasaPagbabago
Mag Ingat po tayong lahat at maging ligtas! Maraming Salamat po.
#serbisyoanglalapitsatao
#LAURNUEVAECIJA
#bagyongbetty
#keepsafe