Skip to main content

PLANT TREES, SAVE MOTHER NATURE

700 Acacia #trees to be planted soon.
Magandang araw, mga kababayan.
Isang mabuting balita po muli ang nais namin iparating sa inyong lahat.
Isang butihing kaibigan ng ating Mayor na may malasakit at busilak na kalooban na si Aaron Castro, nagmula pa sa bansang Maryland USA, ang nagbigay sa ating bayan ng pitong daan (700) na puno ng #ACACIA.
Lubos na nagpapasalamat ang Bayan ng Laur sa inyong pagbibigay ng suporta, pagmamahal sa bayan ng Laur, at higit sa lahat, para sa kalikasan. Kahit kayo ay malayo at nasa ibang bansa ay nagkaroon parin ng tulay upang kayo ay makatulong sa ating Inang Kalikasan.
Noon pa man isa na sa mga adhikain ng ating Mayor katuwang ang itinatag niyang “TEAM RESPECT” o mga kabataang naghahangad ng pagbabago at makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at pagtatanim ng puno.
Ang gawain, aktibidad, programa, at proyekto, na isinasagawa ng Munisipalidad ng Laur sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ay hindi lamang dito sa ating bayan naririnig. Patunay lamang ito na nakikita ang progresibong pag-unlad at pagbabago ng ating bayan maging sa ibang bansa man sa pamumuno ng ating butihing Ama ng Bayan.
Maraming salamat po sa inyo Jonathan Cabrera sa inyong pagkalap, pagkalinga, at paghahatid ng mga puno ng acacia sa aming Bayan.
Pagpalain po nawa kayo ng Poong Maykapal.
#LAURNUEVAECIJA
#MayorTUPE
#Respect
#savetreessavelife

Search
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija