
“Philsys Birth Registration Assistance Project” (PBRAP)
Sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon at Sinang-Ayunan ng ating Sangguniang Bayan sa pangunguna ng kagalang-galang pangalawang punongbayan Benjamin Padilla ay nabigyan ng pahintulot ang ating butihing punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus na makapasok sa isang Memorandom of Agreement ng Philippine Statistics Authority at Lgu Laur.
Nakapaloob dito ang isang Proyekto na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na mabigyan ng libreng serbisyo sa pagpaparehistro ng kanilang mga birth certificate. Ito nga po ang Philsys Birth Registration Assistance Project (PBRAP).
Kahapon nga lang po July 31, 2023 ay nagkaroon na ng releasing of birth certificate dito sa ating bahay pamahalaan at ito po ay pinangunahan ng ating Municipal Civil Registrar, Ma’am Milagros Escasinas. Nagtungo nga po dito ang mga kababayan natin mula sa Brgy. II, III, IV, San Isidro at San Fernando. Bukod dito ay nauna ng bigyan ng libreng birth certificate ang mga mamamayan ng Brgy. Pinagbayanan, Canantong at Sagana. Naging “Highlight” ng nasabing kaganapan ang Mag-ina na sabay nakapagparehistro at nakatanggap ng kani-kanilang birth certificate.
Lubos po ang aming pasasalamat sa mga ahensya na nagsasagawa ng ganitong inisyatibo na naglalayong makatulong sa lahat ng mamamayan lalong lalo napo sa mga nangangailangan at walang kapasidad nating mga kababayan.
Maraming Salamat po!