Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Philsys Birth Registration Assistance Project (PBRAP) | October 10, 2023

Magandang araw po sa ating lahat!
Ang bayan po ng Laur ay kabilang sa magandang proyektong ito sa pamamagitan ng isang MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus at ng PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY (PSA).
Nakapaloob dito ang isang proyekto na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na mabigyan ng libreng serbisyo sa pagpaparehistro ng kanilang mga birth certificate. Ito nga po ang Philsys Birth Registration Assistance Project (PBRAP).
Kaninang umaga nga lang po ay nagkaroon na ng releasing of birth certificate at nakatanggap ang ating apatnapu’t isang (41) Senior Citizens mula sa Brgy. I, II, III at IV. Ito po ay pinangunahan ng ating Municipal Civil Registrar Ma’am Milagros R. Escasinas and staff, katuwang ang PSA Cabanatuan City Officers na sina Ms. Ria C. Salvador, Sir Danilo Valeda, Sir Larry Delos Santos at Sir Meljhone Timbol.
Lubos po ang aming pasasalamat sa mga ahensya na nagsasagawa ng ganitong inisyatibo, at ang aming pasasalamat sa lahat ng aming naging katuwang sa programang ito
Maraming Salamat po!