Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Pastor’s Appreciation Month Celebration

Kahapon po, Oktubre 16 at bilang selebrasyon sa Pastor’s Appreciation Month, nagkaroon po ng sama-samang kwentuhan at masayang hapunan sa tahanan ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus kasama ang ating mga Pastor/Pastora at mga Layman mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan.
Kasabay nito ay nagkaroon ng kaunting talakayan na may kaugnayan sa mga programa, proyekto, at mga plano ng ating Punong Bayan na maaaring makaapekto at makatulong sa nasasakupan ng ating mga Pastor/Pastora at Layman.
Layunin nito na maipakita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at simbahan tungo sa pag-unlad ng ating mahal na bayan ng Laur.
Kaya naman, maraming salamat po sa pagbisita, sa makabuluhang usapan at masayang kwentuhan, at gayundin ang aming pasasalamat sa walang sawang pagpapanalangin sa bayan at sa aming lahat. Nag uumapaw na pagpapala, kapayapaan at kasaganahan sa buhay ng bawat isa! Mahal po namin kayo aming mga Pastor/Pastora at sa lahat ng bumubuo ng Layman.
At sa lahat po ng mga pastor, Happy Pastor’s Month po. Higit pang pagpapala sa pangalan ni Hesus. Amen.
Muli, maraming salamat po!
#LabanParaSaBayan
#PastorsAppreciationMonth
#mayortupe
#LAURNUEVAECIJA