Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Panunumpa sa Katungkulan bilang Indigenous Peoples’ Mandatory Representative (IPMR) ng Brgy. San Isidro | October 13, 2023

Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Ngayong araw, sa pangunguna po ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, matagumpay na naisagawa ang paghirang kay Ms. Sharmaine B. Velasco bilang Barangay IPMR ng Brgy. San Isidro, Laur, Nueva Ecija.
Kasabay nito ang paglagda at panunumpa sa katungkulan, sa pagtupad sa mga tungkulin, at pagsunod sa mga patakaran sa ilalim ng batas ng Republika ng Pilipinas.
Ito ay sinaksihan at nilagdaan nina NCIP NEPO Provincial Officer, Mr. Henry B. Tayaban at Municipal IPMR, Hon. Vilma Fermato. Kasama rin na sumaksi sina LGOO VI Ma’am Rosalie D. Lulunan, Chieftains of different tribes, at mga kawani mula NCIP Provincial Office.
Sa inyo pong pagtalima sa tungkulin bilang Barangay IPMR, kasiyahan po nawa kayo ng Poong Maykapal.
Maraming Salamat po!
#LAURNUEVAECIJA
#mayortupe
#PANUNUMPAsaKATUNGKULAN