
Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Awarding of Sari-Sari Store Livelihood Kit
Isang mapagpalang umaga mga kababayan!
Sa huling araw ng Agosto, labing-apat (14) nating mga kababayan ang naging benepisyaryo at napagkalooban ng Sari-Sari Store Livelihood Kit na ginanap sa Multipurpose Hall dito sa ating bahay pamahalaan. Ang handog na pangkabuhayang ito ay makatutulong sa ating siyam (9) na PWD, apat (4) na Solo Parent, at isa (1) na repatriated OFW.
Ito ay naisakatuparan sa patuloy na paglilingkod ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, at naipagkaloob sa ating mga kababayan sa pangunguna ng mga kawani ng Department of Trade and Industry na sina Sir Richard V. Simangan, PhD (Provincial Director-DTI Nueva Ecija), kasama sina Sir Darwin P. Manumbali (Trade Industry Development Specialist-DTI Nueva Ecija), at Sir Jeremy Ian Lulu (Business Counselor-DTI Negosyo Center-Laur).
Labing-apat po naming mga kababayan ang muling makababangon at giginhawa ang buhay dahil sa inyong handog na pangkabuhayan. Kaya naman, isa lamang po ang mensahe ng ating Punong Bayan para sa mga benepisyaryo ng PPG na hindi hadlang ang maliit na negosyo o puhunan, kailangan lamang ng dedikasyon para mapalago ang mga ito.
Muli sa mga kawani ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), maraming maraming salamat po!
#LAURNUEVAECIJA