Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Pagpupulong ng MSWD, DSWD, at PWD Presidents

October 19, 2022

𝘒𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢 𝘯𝘨 𝘗𝘞𝘋, 𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰
Personal na dinaluhan ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ang pagpupulong ng MSWD, DSWD, at PWD Presidents ng bawat barangay sa Bayan ng Laur upang pag-usapan at pagplanuhan ang mga pangangailangang serbisyo kasama ang kasalukuyan at mga panghinaharap na usapin.
Ilan sa naging laman ng pagpupulong ay mga kabuhayan ng PWD, pagpondo para sa PWD at mental health illness, paghahanda para sa giftgiving at pagdiriwang sa Disyempre, gayaun din ang pagkakaroon ng profiling ng senior citizens sa buong bayan, at iba pang pangangailangan ng mga PWD.
Sa dulo ng pagpupulong ay naghanda ng munting regalo ang ating Amang Bayan bilang pagpapasalamat at pagpapakita ng kahalagahan sa mga miyembro ng ating samahan.
Maraming Salamat po.
#MayorTUPE
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#LAURNUEVAECIJA
#Respect