Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Pagpupugay at Pagpaparangal sa PHMI Laur

June 17, 2023

Duyan ka ng magiting: Pagpupugay at Pagpaparangal sa PHMI Laur!
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat.
Noong nakaraan pong Sabado, May 27, 2023 ay pinarangalan po ng PHMI National Chapter ng “Outstanding Chapter Award”, na ginanap sa Quirino Grand Stand, Manila ang mga kasapi ng organisasyong tinatawag na PHMI (Police Hotline Movement Inc.) Laur Chapter.
Kung atin pong mababalikan ay sila ang pinagkalooban ng libreng motorsiklo ng ating Mayor noong buwan ng Pebrero na nagagamit nila sa kanilang pagseserbisyo sa ating bayan.
Ang PHMI o Police Hotline Movement Inc. ay isang organisasyon sa loob ng ating pamunuan na tumutulong upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at katahimikan sa atin pong bayan.
Napakalaking tulong po ang kanilang ginagawa sa atin, sapagkat ano mang kaganapan, malaki man o maliit, ay palagi silang nakaantabay upang magbigay ng kanilang serbisyo.
Lingid din po sa ating kaalaman, ang mga miyembro po ng PHMI ay mga volunteers. Sila po ay nagtatrabaho, at nagbibigay ng kanilang serbisyo ng walang hinihinging anumang kapalit.
Bawat bayan o chapter ay mayroong PHMI, ngunit sa pangkalahatang bilang po ay isa ang ating bayan sa mga hinirang at binigyan ng parangal!
Sa tulong at suporta narin po ng LGU Laur, lalong lalo na po ang ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus ay nakakamit ng ating bayan ang mga ganitong karangalan.
Gayundin naman po ay nagpasasalamat ang ating pamunuan, sa mga magigiting, maasahan at masisipag na mga miyembro ng PHMI Laur Chapter. Kung kaya’t tunay at nararapat lamang po na sila ay gawaran ng Most Outstanding Award!
Maraming maraming salamat po!
#phmi
#sulonglaur
#newbornheroes