
PAGHAHANDA SA BAGYONG #Maymay
Magandang araw mga kababayan, bilang paghahanda sa paparating na bagyong #Maymay, ang Pamahalaang Bayan ng Laur sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus kasama ang mga kawani ng PNP Laur, BFP Laur, MENRO, MSWDO, RHU, MAO,MDRRMO, DILG at Engineering Department, ay nagsagawa ng agarang pagpupulong bilang paghahanda sa mga posibleng mangyare sa pagdating ng bagyong Maymay.
Pinagusapan sa pagpupulong ang mga posibleng maging hakbang upang paghandaan ang mga magiging epekto ng bagyong Maymay. Kabilang dito ang paghahanda sa Evacuation Center, paghahanda ng mga gamot na kakailanganin (medical supplies),pagrerepack ng mga relief goods para sa ating mga kababayan. Kaya naman inaasahan na magiging handa ang Munisipalidad ng Laur anumang oras na kailanganin ang serbisyo at paglilingkod
Gayundin naman patuloy ang pagmomonitor ng ating mga kawani kasabay nito ang pag iikot sa bawat barangay upang magbigay ng abiso sa ating mga kababayan. Ang ating Punong Bayan ay nag abiso sa ating mga kawani na ihanda lahat ng mga mahahalagang kagamitan at mga kakailanganing sasakyan sa pag rerescue.
Mga kababayan patuloy po tayong maging alerto at maging handa lalo na sa panahon ng mga sakuna at kalamidad. Maraming salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#MayorTUPE
#MaymayPH
#LAURNUEVAECIJA
#Respect