Skip to main content

Paghahanda sa Bagyong Karding

Bilang paghahanda sa paparating na bagyong KARDING, ang Pamahalaang Bayan ng Laur sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus at mga kawani ng PNP Laur, BFP Laur, MDRRMO, MSWDO,RHU, MENRO at Engineering Department ay nagsagawa ng agarang pagpupulong. Bagamat kararating lamang ng ating Mayor kaninang madaling araw galing sa ibang bansa, hindi na nag atubiling magpatawag ng pagpupulong upang paghandaan ang mga posibleng mangyare sa pagdating ng bagyong Karding.
Pinag-usapan sa pulong ang mga posibleng maging hakbang upang paghandaan ang mga matinding epekto ng Bagyong Karding. Kabilang dito ang paghahanda ng Evacuation Center para sa ating mamamayan partikular sa mga bahay na malapit sa ilog, paghahanda ng mga gamot na kakailanganin, at pagrerepack ng relief goods para sa ating mga kababayan. Kaya naman, inaasahang magiging handa ang ating Munisipalidad ng Laur anumang oras na kailanganin ang paglilingkod.
Patuloy ang pagmomonitor ng ating mga kawani sa mga lugar ng ating kababayan na posibleng manguna sa evacuation center. Ang ating Punong Bayan ay nag abiso sa ating mga kawani na ihanda lahat ng mga mahahalagang kagamitan at mga kakailanganing sasakyan sa pag rerescue.
Para sa mga posibleng tanong at mahahalagang impormasyon maari lamang po kayong tumawag at mag bigay ng mensahe sa numero na ito.
LAUR MAYOR’S OFFICE HOTLINE:
0948- 865- 7338
0917- 117-1541
Maari din po kayong magpadala ng mensahe sa official facebook page ng Atty. Christopher “Tupe” Daus.
Mag Ingat po tayong lahat, Maraming Salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#LAURNUEVAECIJA
#paghahandasabagyongkarding
Search
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija