Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Pagbisita sa National Child Development Center Sagana | September 7, 2023

Muling bumisita ang ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus sa NCDC LGU Sagana Laur Nueva Ecija, upang kumustahin ang mga batang mag-aaral at alamin ang kanilang kalagayan.
Makikita ang moderno at maayos na silid-aralan, at mayroon din itong Air Conditioning Unit na ipinagkaloob ng ating butihing Ama ng Bayan upang mas maging maginhawa at matuon sa pag-aaral ang mga bata.
Nais ng ating Punong Bayan na magkaroon ng aircon ang mga silid-aralan ng Day Care Center sa lahat ng barangay upang lahat ng ating mga batang mag-aaral ay maging maginhawa ang karanasan lalo na sa panahon ng tag-init.
Kami po ay nagpapasalamat kay Brgy. Captain Hernando A. Yambot sa kanyang paglalaan ng oras upang tayo ay masamahan, gayundin kina Ma’am Fanny Rose Sabado at Ma’am Dorisdella Nicanor sa kanilang mainit na pagtanggap sa ating pagbisita.
#mayortupe
#serbisyoanglalapitsatao
#LAURNUEVAECIJA