Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Pagbisita sa mga Daan ng Brgy. San Felipe at Brgy. San Vicente

Kamakailan lamang ay personal na binisita ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ang isinasagawa at pagpapaluwang ng daan sa Brgy. San Felipe
Sa kabilang banda, personal din na binisita ang bago, maluwang, at konkretong daan sa Brgy. San Vicente.
Hangad ng ating Punong Bayan na maisaayos at magkaroon ng mga konkretong daan ang bawat barangay, nang sa gayon ay maging maginhawa ang biyahe at karanasan ng ating mga kababayan.
Ito po ay isa lamang sa maraming proyekto at adhikain para sa ating bayan. Kaya naman, sama-sama po nating suportahan ang Ama ng ating Bayan tungo sa tuloy-tuloy na progreso at pag-unlad.
Maraming Salamat po!