Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Oplan: Repair and Rescue 2022

Oplan: Repair and Rescue 2022 | Restoration of Laur’s Ambulance.
Pabatid Publiko mula sa Pamahalaan ng Laur.
Ikinagagalak po naming ipabatid sa inyo na ang bayan natin simula ngayon ay mayroon ng dalawang maayos at magandang ambulansya na tutulong sa atin at magagamit upang makapaghatid ng mga kababayan nating nangangailangan ng sasakyan patungo sa hospital.
Sa pamumuno at tuloy – tuloy na suporta ng ating masigasig na Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, ipinakita na ang kinumpuning lumang ambulansya at ang bagong ambulansya.
Makikita sa mga larawan na maayos, malinis at kumpleto ang mga kagamitan ng dalawang sasakyan.
Inaasahan at pinagpaplanuhan ng ating Mayor na magdagdag at magkaroon pa ng dalawang bagong ambulansya sa darating na Oktubre ng kasalukuyang taon at karagdagang dalawa muli sa buwan ng Disyembre. Lubos naming ikinagagalak ang progresibong pag-unlad at unti unting pag angat at pag bangon ng Bayan ng Laur.
Sama-sama nating paunlarin ang serbisyo at kabuhayan ng mga mamamayan ng Laur.
Mga kababayan, maraming salamat po sa inyong suporta at tiwala.
#SerbisyonaanglalapitsaTao
#BayanngLaur