Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

ONE AIM, ONE TEAM!

Laur LGU Team Building 2023 ❤
(PART 1)
Kamakailan po ay isinagawa ang Team Building ng ating mga LGU employees sa pangunguna po ng ating minamahal na Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus at ito po ay na ginanap sa Dasol, Pangasinan noong July 19 hanggang July 21, 2023.
“One aim, One team”. Ito nga po ang naging tema ng nasabing aktibidad kaugnay sa layunin po ng ating pamahalaan at ng mga kawani nito na magbuklod buklod at magkaisa upang makamit po natin ang pagbabago sa ating bayan.
Gayundin din, nais po ng ating Punongbayan na bigyan ng “unforgettable memories”o hindi malilimutang karanasan ang lahat ng kasapi ng LGU bilang pasasalamat narin sa kanilang magandang kontribusyon at pagsisikap na mapaganda at mapaunlad ang bayan ng Laur.
Tunay nga pong naging makabuluhan at talaga namang nag enjoy! ang bawat isa sa mga inihandang mga programa, palaro at patimpalak ng ating mga game committees.
Maraming salamat po Atty. Christopher “Tupe” Daus! sa pagbibigay nyo po sa amin ng pagkakataon na makapag unwind, makapag relax, at gumawa ng magagandang alaala na magpapatibay po ng aming samahan.
Makakaasa po kayong kasama mo kami sa pagbabago!
#teambuilding2023
#LAURNUEVAECIJA
#oneaimoneteam
#dasolpangasinan

No Images found.