Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

OFW Party List Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Nueva Ecija Payout

Mapagpalang Araw po sa ating lahat!
Bidang-bida ang mga Novo Ecijano sa maagang pamaskong handog ng OFW Party List kahapon araw ng Miyerkules, Setyembre 27 na ginanap sa Plaza Concepcion, Brgy. Ganaderia, Palayan City.
Sa pamamagitan po ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, at sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ay isang daan (100) nating mga kababayan ang napagkalooban at nakatanggap ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na programa ng ahensya.
Ang mga benepisyaryo sa ginanap na payout ay ang ating mga kababayan na mayroong kamag-anak na Overseas Filipino Worker o OFW.
Tunay na kahanga-hanga ang inyong pagmamahal at pagtulong sa mga mahal nating OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay. Kaya naman, taos-pusong pasasalamat po Congw. Marissa “Del Mar” Magsino at sa buong OFW Party List sa tulong na ito.
Muli, maraming maraming salamat po!
OFW Party List IKAW ANG BIDA!
#OFWPartylist
#AICS